Kung ikaw ay nagsangla sa amin, may option ka para tubusin o i-renew ang iyong item anytime. Makakatulong ang renewal kung hindi pa sapat ang iyong pambayad para tubusin ang iyong item at maextend ng panibangong buwan ang iyong due date.
Mas mabuting i-renew ang iyong item bago ang maturity date o bago umabot ng isang buwan ang iyong item para hindi lumalaki ang interest nito. Maaari pa din namang i-renew ang iyong item kahit lumampas sa maturity basta hindi pa nasubasta ang iyong item.
Maaaring bayaran muna ang interest ng isinangla sa halip na bayaran ng buo ang total amount due. Dahil dito, mas mapapaliit nito ang interest at mapapahaba ang term ng iyong isinangla.
HINDI po. Kailangang magpunta sa aming branch para magtubos ng item para masiguradong tama at makita ng actual ang tutubusin mong item.
Sa ngayon, ang pwedeng magrenew ay ang mga sangla ng GADGETS pa lamang. Magbibigay kami ng anunsyo kung kailan pwedeng tumanggap ng online renewal para sa mga alahas.
Pwedeng mag-avail ng online renewal ang mga nagsangla sa Tambunting
#KaheraNgBayan branches sa Luzon lamang. Maaaring i-search ang mga branches na pwedeng mag avail ng online renewal sa
LINK na ito.
HINDI po. Allowed lamang pong mag-renew online kapag hindi pa lumampas sa iyong due date or expiry date. Makikita sa iyong pawnticket kung kailan ang expiry ng iyong isinangla.
MERON po. Dahil ang bayad ay dadaan sa online platform apps gaya ng GCASH, ito ay may kaakibat na service fee, subalit minimal lang naman ito. Makikita ang iyong transaction fee kapag click mo ang RENEW button.
OPO. Puwedeng mag-online renew anytime basta hindi pa lampas sa iyong expiry date. Kung anong araw pumasok ang iyong online payment, yun din ang araw na magiging renewal date mo kahit mavalidate ito ng aming online representative kinabukasan.
Tumatanggap po kami ng GCASH payments, bank transfer sa BPI, BDO, UNION BANK, o iba pang major online payment partners gaya ng MAYA, GRABPAY, SHOPEEPAY na gumagamit ng QRPH. I-scan lamang ang QR Code na lalabas sa online renewal screen.
Kailangang mag-message sa aming
Facebook Page as soon as possible, at ibigay ang copy ng proof of payment at government issued id para ma-check kung paano ito marerefund sa inyong account. Magkakaroon ng karampatang service fee ang refund base sa kung magkano ang amount na ibabalik.
Kailangang mag-message sa aming
Facebook Page, at ibigay ang mga required documents para sa refund na may kaukulang service fee. Hindi magiging successful ang iyong renewal at magtutuloy ang bilang ng existing na term ng iyong isinangla.
Makakareceive ka ng automatic SMS message base sa binigay mong contact number noong ikaw ay nagsangla. Makikita mo iyong cellphone number na nakaregister sa amin sa gawing lagda ng iyong pangalan sa iyong pawnticket.
Ipagbigay alam lamang sa aming
Facebook Page ang mali at tamang impormasyon tungkol sa iyong contact number. Libre ito at walang bayad.
MERON po. Kapag kayo ay nagbayad online, kailangang i-upload ang payment screenshot sa online renewal form sa aming website. Kapag hindi to naging successful, maaaring mag-message sa aming
Facebook Page at i-send ang screenshot ng iyong proof of payment. I-vavalidate ito ng aming online representative kung sakaling tama ang amount at impormasyon na pumasok sa aming system.
Kapag na-upload na ang screenshot ng proof of payment, i-vavalidate ito ng aming online representative. Ang oras ng validation ay mula 9 ng umaga hangang 4 ng hapon mula Lunes hanggang Sabado. Ang lahat ng payments pagkatapos ng 4PM ay iva-validate sa susunod na business day maliban kung ito ay Linggo.
Papasok pa din ang iyong payment sa araw mismo kung kailan ka nagbayad. Kapag navalidate at tama ang naging amount, ang magiging date of renewal mo ay ang date kung kailan navalidate ang iyong payment.
Mag-message lamang sa aming
Facebook Page para ma-confirm kung pumasok na ang iyong payment.
Kailangang pumunta sa branch kung saan nagsangla para kunin ang iyong bagong pawnticket. Kailangang i-surrender ang iyong lumang pawnticket at ipakita ang iyong id para masiguradong ikaw ang may ari ng item na iyon.
Kailangang gumawa ng authorization letter na may pirma ng taong nagsangla na nakalagay kung sino ang kukuha ng bagong pawnticket. Kailangang dalhin nya ito kasama ang lumang pawnticket, ang ID ng nagsangla at ID ng authorized representative.
PUWEDE sa alahas, subalit sa mga gadgets ay hanggang dalawang beses lamang. Kapag sumobra sa dalawang beses ang renewal ng gadgets, magiging discretion na ito ng branch personnel kung pahihintulutan ang renewal depende sa kalagayan ng gadget na isinangla.