Options

Branches
Enter location below...




Frequenty Asked Questions
 
Trending Questions
YES (Selected branches only). Tumatanggap kami ng mga gadgets katulad ng Cellphones, Laptops, Tablet-PCs, DSLR cameras, Smart TVs, Watches at iba pang mga electronic gadgets subject for approval. Para sa kumpletong listahan ng branch na tumataggap, i-click lang LINK na ito.
 
YES (Selected branches only). Tumatanggap kami ng mga Motorcycles at Scooters. Kailangan lamang na isurrender ang mismong motor o unit sa branch kasama ang original OR at CR na nakapangalan sa magsasangla habang ito ay nakasangla. Para sa kumpletong listahan ng branch na tumataggap, i-click lang LINK na ito.
 
YES (Selected branches only). Pwedeng isangla ang mga sira o napigtas na alahas, o kahit yung mga alahas na walang kapares. Basta pure gold ang alahas ay pwede pong isangla. Para sa kumpletong listahan ng branch na tumataggap, i-click lang LINK na ito.
 
YES (Selected branches only). Tumatanggap kami ng mga signature watches basta ito ay original at genuine watches, gumagana at umaandar, walang mga gasgas o anumang physical defects, hndi overused o yung mukhang luma. Para sa mga smart watches, dapat kasama ang charger sa pagsangla nito. Para sa kumpletong listahan ng branch na tumataggap, i-click lang LINK na ito.
 
YES (Selected branches only). Pero minimum lang po ang tanggap namin sa mga silver hindi kagaya sa mga gold items. Pumunta lamang sa aming branches para malaman kung magkano ang per gram ng bawat silver. Para sa kumpletong listahan ng branch na tumataggap, i-click lang LINK na ito.
 
YES (Selected branches only). Tumatanggap kami ng mga smart TVs, window type aircon, monitors, desktop computers at iba pang electronic devices basta ito ay gumagana at walang physical defects at hindi overused. Dapat lang mai-test ito sa branch kung gumagana. Ang mga malalaking appliances gaya ng ref o iba pa ay subject for approval depende sa laki ng storage room ng branch. Para sa kumpletong listahan ng branch na tumataggap, i-click lang LINK na ito.
 
As of now, HINDI po kami tumatanggap ng mga signature bags, sapatos at eyewears.
 
As of now, HINDI po kami tumatanggap ng mga ATM Cards at mga OR/CR ng mga motorsiklo.
 
As of now, HINDI po kami tumatanggap ng mga precious stones, o iba pang mga alahas na hindi ginto.
 
 
Pawning Questions
Kaylangan lamang magdala ng isang valid ID na may picture at hindi expired alinsunod sa patakaran ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Para sa mga listahan ng ID na tinatanggap sa mga sangla, pumunta lamang sa link na ito… (List of IDs Accepted)
 
YES. Puwedeng tubusin ang alahas anumang araw na iyong naisin mula sa mismong araw ng pagsangla o hanggat available pa ang iyong item sa branch at hindi pa ito nasubasta. Mangyari lamang na magtanong sa aming branch kung available pa ang iyong item.
 
YES. Kung hindi pa kayang tubusin o bayaran ng buo ang item, pwede mo itong patubuan o irenew. Babayaran mo lang ang interest ng item para maextend o madagdagan ang term ng iyong sinangla at hindi ito maremata o masubasta. Mahalagang mairenew ito bago magisang buwan o bago lumampas ang maturity or expiry date ng item na iyong isinangla.
 
Mas maiksing araw ng pagtubos sa item na isinangla, mas maliit ang makukuhang interest. Ang minimum redemption period ay 1 day o yung araw na mismong isinangla ang item, for as low as 2% interest para sa mga alahas, at 5% naman para sa mga gadgets!
 
Bumalik lamang sa aming branch sa lalong madaling panahon para mag-sign ng Affidavit of Loss. Magdala lang ng valid ID para sa iyong pagkakakilanlan. Para sa mga sinanglang alahas, dapat ipanotaryo ang iyong affidavit of loss alinsunod sa patakaran ng Bangko Sentral ng Pilipinas.
 
Puwedeng magtubos ang taong io-authorize mong tumubos ng iyong item. Dapat lang gumawa ng authorization letter ang original pawner na nakalagay kung sino ang magtutubos ng item, pipirmahan ito ng tatlong beses ng original pawner, kalakip nito ang original resibo o pawnticket na binigay sa inyo noong kayo ay nagsangla. Dapat ding magpakita ng copy ng ID ng nagsangla AT ID ng authorized representative kung sino ang magtutubos ng iyong item.
 
 
Online Renewals
Kung ikaw ay nagsangla sa amin, may option ka para tubusin o i-renew ang iyong item anytime. Makakatulong ang renewal kung hindi pa sapat ang iyong pambayad para tubusin ang iyong item at maextend ng panibangong buwan ang iyong due date.
 
Mas mabuting i-renew ang iyong item bago ang maturity date o bago umabot ng isang buwan ang iyong item para hindi lumalaki ang interest nito. Maaari pa din namang i-renew ang iyong item kahit lumampas sa maturity basta hindi pa nasubasta ang iyong item.
 
Maaaring bayaran muna ang interest ng isinangla sa halip na bayaran ng buo ang total amount due. Dahil dito, mas mapapaliit nito ang interest at mapapahaba ang term ng iyong isinangla.
 
HINDI po. Kailangang magpunta sa aming branch para magtubos ng item para masiguradong tama at makita ng actual ang tutubusin mong item.
 
Sa ngayon, ang pwedeng magrenew ay ang mga sangla ng GADGETS pa lamang. Magbibigay kami ng anunsyo kung kailan pwedeng tumanggap ng online renewal para sa mga alahas.
 
Pwedeng mag-avail ng online renewal ang mga nagsangla sa Tambunting #KaheraNgBayan branches sa Luzon lamang. Maaaring i-search ang mga branches na pwedeng mag avail ng online renewal sa LINK na ito.
 
HINDI po. Allowed lamang pong mag-renew online kapag hindi pa lumampas sa iyong due date or expiry date. Makikita sa iyong pawnticket kung kailan ang expiry ng iyong isinangla.
 
MERON po. Dahil ang bayad ay dadaan sa online platform apps gaya ng GCASH, ito ay may kaakibat na service fee, subalit minimal lang naman ito. Makikita ang iyong transaction fee kapag click mo ang RENEW button.
 
OPO. Puwedeng mag-online renew anytime basta hindi pa lampas sa iyong expiry date. Kung anong araw pumasok ang iyong online payment, yun din ang araw na magiging renewal date mo kahit mavalidate ito ng aming online representative kinabukasan.
 
Tumatanggap po kami ng GCASH payments, bank transfer sa BPI, BDO, UNION BANK, o iba pang major online payment partners gaya ng MAYA, GRABPAY, SHOPEEPAY na gumagamit ng QRPH. I-scan lamang ang QR Code na lalabas sa online renewal screen.
 
Kailangang mag-message sa aming Facebook Page as soon as possible, at ibigay ang copy ng proof of payment at government issued id para ma-check kung paano ito marerefund sa inyong account. Magkakaroon ng karampatang service fee ang refund base sa kung magkano ang amount na ibabalik.
 
Kailangang mag-message sa aming Facebook Page, at ibigay ang mga required documents para sa refund na may kaukulang service fee. Hindi magiging successful ang iyong renewal at magtutuloy ang bilang ng existing na term ng iyong isinangla.
 
Makakareceive ka ng automatic SMS message base sa binigay mong contact number noong ikaw ay nagsangla. Makikita mo iyong cellphone number na nakaregister sa amin sa gawing lagda ng iyong pangalan sa iyong pawnticket.
 
Ipagbigay alam lamang sa aming Facebook Page ang mali at tamang impormasyon tungkol sa iyong contact number. Libre ito at walang bayad.
 
MERON po. Kapag kayo ay nagbayad online, kailangang i-upload ang payment screenshot sa online renewal form sa aming website. Kapag hindi to naging successful, maaaring mag-message sa aming Facebook Page at i-send ang screenshot ng iyong proof of payment. I-vavalidate ito ng aming online representative kung sakaling tama ang amount at impormasyon na pumasok sa aming system.
 
Kapag na-upload na ang screenshot ng proof of payment, i-vavalidate ito ng aming online representative. Ang oras ng validation ay mula 9 ng umaga hangang 4 ng hapon mula Lunes hanggang Sabado. Ang lahat ng payments pagkatapos ng 4PM ay iva-validate sa susunod na business day maliban kung ito ay Linggo.
 
Papasok pa din ang iyong payment sa araw mismo kung kailan ka nagbayad. Kapag navalidate at tama ang naging amount, ang magiging date of renewal mo ay ang date kung kailan navalidate ang iyong payment.
 
Mag-message lamang sa aming Facebook Page para ma-confirm kung pumasok na ang iyong payment.
 
Kailangang pumunta sa branch kung saan nagsangla para kunin ang iyong bagong pawnticket. Kailangang i-surrender ang iyong lumang pawnticket at ipakita ang iyong id para masiguradong ikaw ang may ari ng item na iyon.
 
Kailangang gumawa ng authorization letter na may pirma ng taong nagsangla na nakalagay kung sino ang kukuha ng bagong pawnticket. Kailangang dalhin nya ito kasama ang lumang pawnticket, ang ID ng nagsangla at ID ng authorized representative.
 
PUWEDE sa alahas, subalit sa mga gadgets ay hanggang dalawang beses lamang. Kapag sumobra sa dalawang beses ang renewal ng gadgets, magiging discretion na ito ng branch personnel kung pahihintulutan ang renewal depende sa kalagayan ng gadget na isinangla.
 
 
TLC Sulit Card 💛
Ang TLC Sulit Card ay pwedeng mabili at maavail ng lahat ng mga customers ng Tambunting #KaheraNgBayan branches.
 
Basta may transaction sa Tambunting #KaheraNgBayan puwedeng bumili ng TLC Sulit Card! Magdala lang ng isang valid ID para sa KYC. Kung previous customer ka na, hindi na kailangan ng KYC!
 
YES! Sa bawat transaction mo sa Tambunting KaheraNgBayan makakaipon ka ng SULIT POINTS katulad ng Sangla, Tubos, Renewal, Remittance, Bills Payment, Cash In, Cash Out, at iba pa, maliban lamang sa Money Changer at Lotto Services.
 
Puwede mong gamitin ang iyong mga naipong points sa lahat ng transaction mo sa Tambunting #KaheraNgBayan katulad ng Sangla, Tubos, Renewal, Remittance, Bills Payment, Cash In, Cash out at iba pa, maliban lamang sa Money Changer, at Lotto Services.
 
Sangla/ Tubos/ Renewal
Sa bawat 40 pesos mula sa iyong total na tubo at interest, makakakuha ka ng 1 Sulit Point! Ang bawat piso nito ay may katumbas na 0.025 o 0.03 Sulit Points!
Example:
10 pesos / 40 = 0.25 Sulit Points

Remittance at iba pang transaction
Mula sa iyong total na binayaran o cinashout, 1% nito ay hahatiin sa 40.
Example:
(1000 pesos * 1% ) / 40 = 0.25 Sulit Points

Minimum points
Kahit na mababa ang iyong transaction, siguradong may makukuha kang Sulit Points mula dito! Ang minimum o lowest point na puwede mong makuha sa isang transaction ay 0.25 Sulit Points!

Maximum points
Sa mga transaction kagaya ng sangla, tubos, renewal ay walang maximum points na pwedeng makuha, ibig sabihin kahit ilang points ay puwedeng ma accumulate sa isang transaction.

Sa mga transaction kagaya ng padala, cash in/out, bills payment, insurance at iba pang transaction bukod sa sangla at tubos ay may maximum na 5.00 points lamang na puwedeng ma accumulate sa isang transaction.
 
Puwede ng magamit ang discounts kung ang member ay naka accumulate na ng 20 Sulit Points. Para sa mga Sangla, Tubos at Renewal, pwedeng gamitin ng buo ang naipong points. Para naman sa ibang transaction gaya ng remittance, ang maximum na puwedeng magamit na discount ay 20 pesos para sa isang transaction.
 
MERON! Magbibigay ang Tambunting #KaheraNgBayan ng mga special points, freebies, o paraffle sa mga espesyal na araw gaya ng Birthday ng member, Valentines, Christmas, Mother's o Father's Day o iba pang mga special occasions!
 
PUWEDE! Basta dala ng authorized personnel ang TLC Sulit Card ay pwede pa ding magearn ng points at magavail ng discount!
 
HINDI po. Sa bawat pag accumulate ng points at pag claim ng discounts, kailangan dalhin ang TLC Sulit Card for security purposes.
 
HINDI po. Kailangang gamitin ang mga naipong points sa mga transaction bilang discount lamang at hindi ito maaaring i-convert sa cash.
 
MERON po. Ang lahat ng TLC sulit card ay mae-expire pagkatapos ng 24 months o 2 years simula ng araw kung kailan ito binili. Kapag naexpire ang card ay kasabay na maeexpire ang mga naipong points.
 
HINDI po. Kapag naexpire na ang sulit card, kasabay nitong maeexpire ang points na laman nito. Hindi ito maaaring itransfer sa panibagong card at hinihikayat ang member na gamitin ang points bago ito maexpire.
 
Maaari pong bumili ng panibagong TLC card ang member at pwedeng itransfer ang points ng lumang card papunta sa bagong TLC Sulit Card.
 
PUWEDE! Kung mae-expire na o kahit expired na ang iyong TLC Sulit Card, puwedeng bumili ng bagong TLC Sulit Card anytime!
 
PUWEDE! Maaaring bumili ng higit sa isang TLC Sulit Card ang isang customer. Maaari din bumili ng bagong TLC Sulit Card kung malapit na maexpire ang lumang TLC Card.
 
YES! Pumunta lamang sa link na ito, i-type lamang ang iyong TLC Sulit Card Number at Registered Mobile Number:
https://www.tambunting.ph/TLC
 
 
Other Questions
As of today we DON'T have online selling of jewelries and other items. Beware of those scammers selling jewelries online especially in Facebook and other fake social media pages. We only have one Facebook account. Please report those fake pages immediately to Facebook.
 
YES. Mag-message lamang sa amin para sa item na gustong bilhin. Paalala lamang na hindi po kami nagpapadeliver ng item at hindi din po kami humihingi ng online payment. Ang lahat ng item ay dapat bayaran at kunin sa mismong branch kung nasaan ang item. Nakasulat ang location ng item sa mismong description nito. Ang lahat ng transaction na nangyari sa labas ng aming mga branches ay hindi awtorisado at walang pahintulot ng aming tanggapan. Maging maingat at magmessage lamang sa aming Official FB Page.
 
Bukod sa sangla, pwede ding tumanggap at magpadala ng pera gamit ang iba't ibang international at domestic remittance partners ng Tambunting gaya ng Palawan Pera Padala, Western Union, Transfast, Remitly, Ria, Moneygram at iba pang major remittance services! Same rates, no other charges!
 
You can check out our branch operating hours in the Branch Locator of this website. Our branches are open from Mondays to Saturdays, and Mondays to Sundays/ holidays in selected locations. Para sa kumpletong listahan ng branch na tumataggap, i-click lang LINK na ito.
 
Sorry but as of now, we DON'T offer pawnshop franchises. All Tambunting outlets nationwide are company owned branches
 
There are other Tambunting groups who operate Tambunting Pawnshops and jewelry businesses, however only branches with tag line "Kahera Ng Bayan" that are found in the Branch Locator of this website are under our jurisdiction.
 
 
How to Reach Us?
If you want to become partner of Tambunting and want your products/services to be offered in Tambunting outlets nationwide, just send us your proposal with Business/ Company Profile together with your contact number, email address, and send to support@tambunting.ph
 
Send us your proposal together with your name, contact number, space address, its nearest landmark, and pictures of the location so we can be able to check the place. You may send it to support@tambunting.ph.
 
Please check out our available job posting HERE and check for the qualifications listed. You may email your updated resume with latest picture to careers@tambunting.ph
 
Other Concerns?
Where can I send customer service complaints and other feedbacks?
You may send your feedback regarding our customer service to the following mobile numbers and email addresses, OR you may rate and leave feedbacks regarding our branch services HERE.

Official Mobile # 09175956653
Official Email Address support@tambunting.ph
Official Facebook Page Facebook.com/TAMBUNTING.PH
Official Instagram Account Instagram.com/TAMBUNTING.PH

Note that we only acknowledge feedbacks from branches that are found in the Branch Locator of this website. You may search our complete list of branches HERE.
 

Scam Advisory | Privacy Notice
J.P.T. Central Corporate Holding & Management Corp.
3216 Kalayaan Avenue, Brgy. Pinagkaisahan, Makati City
Metro Manila, Philippines 1213
All Rights Reserved - © 2025