Ito ay ang mga nasubasta o mga expired items na for disposal na at pwede ng ibenta sa iba.
Ang lahat ng item na sinubasta ay mga SECOND HAND ITEMS at working in good condition sa oras na ito ay isinangla at hanggang sa expiration date ng sangla nito. Ngunit sa oras na ito'y naisubasta na, ang mga item ay for disposal na at wala ng tiyak na garantiya. Hinihikayat ang mga buyers na icheck muna ng actual ang mga sale item bago ito bilhin.
Ang lahat ng item na sinubasta ay
"as is, where is" basis at walang warranty mula sa amin kapag ito ay nasubasta na. Kaya mainam na magtanong muna sa aming Facebook Page at pumunta ng actual sa branch location nito para masigurado at makita muna ang sale item bago ito bilhin.
PUWEDE po! Piliin lamang ang item na gustong ipareserve sa
List of Sale Items. Matapos suriin ang detalye nito, maaaring magtanong muna sa aming Messenger account sa aming
Official Facebook Page para masigurado ang updated status ng sale item. Kapag nasuri na ang item, iclick lang ang
RESERVE button nito. Ang online reservation ay bukas araw araw mula Lunes hanggang Linggo, mula
9AM hanggang
4PM lamang.
HINDI po! Hindi po kami nagpapadeliver ng items kahit ireserve po ito. Kailangan pong puntahan at kunin ang item ng actual kung nasaang branch location ito. Mangyari lamang na i-check muna ang item location bago ito ipareserve.
Kailangang mapickup o makuha ang item sa actual branch location nito sa araw mismo kung kailan ito ipinareserve. Kapag hindi napickup ang item within the day of reservation ay pwede ng mabenta sa iba ang item. Kung nagpareserve at hindi napickup ang item, kailangan nang mag-request ng refund para dito.
Pwedeng magrequest ng refund sa reservation, mag-message lamang sa aming
Official Facebook Page at isend ang inyong proof of payment at kung kelan at anong item ang inyong ipinareserve online para maverify ito.
Tandaan na ang maibabalik lamang na refund ay ang Reservation Price at non-refundable ang reservation fee.
Example:
1,000.00 o 10% Reservation Price + 40.38 Reservation Fee = 1,040.38
Ang refundable amount lamang ay ang 1,000.00 o ang 10% reservation price nito.
Puwedeng magbayad online, I-scan lamang ang QR Code sa GCASH app, o iba pang e-wallet platforms, o kaya naman online bank transfer gamit ang QR code.